Karateka Delos Santos tinapatan ang 36 gold
- BULGAR
- Oct 26, 2021
- 2 min read
ni Gerard Arce - @Sports | October 26, 2021

Tinapatan ni dating Southeast Asian Games medalists Orencio James De Los Santos ang 36 na kabuuang gintong medalyang nakamit noong isang taon kasunod ng panibagong kampeonato sa 6th leg ng Okinawa E-Tournament World Series nitong weekend, habang puntirya nitong dagdag pa ang mga titulo sa mga nalalabing linggo ngayong taon.
Muling sumampa sa pangkalahatang 36 gold medals na naitala ang 31-anyos na dating national team member matapos talunin sa final round si Abdellatif Choukri ng Essadaka De Sport Fes ng Morocco sa iskor na 25.26. Bago rito ay tinalo niya sa elimination round ng e-kata individual male seniors pool sina Alfredo Bustamante ng Estados Unidos at Jonathan Giron ng Mexico sa iskor na 24.78, kumpara sa 24.26 at 23.66, ayon sa pagkakasunod.
Dinaig naman ni Choukri, na sumipa ng 24.6 sa kanilang pool sina Domont Matias Moreno ng Switzerland sa 24.6, Marcus Madrusan ng Sweden sa 23.08 at Johannes Grubl ng Germany sa 22.26.
Naibulsa naman nina Moreno at Bustamante ang bronze medals ng higitan sina Giron sa iskor na 24.78 laban sa 24.06 at Madrusan sa pinal na 24.6 kontra 22.28, ayon sa pagkakasunod.
“It took a little longer for me to tie my gold medal count from last year. I admit there were some tournaments that I lost in or missed out due to conflict of schedules. But overall, it’s a great feeling regardless. I’m still eyeing on break that record and to try to win as many of the remaining tournaments for this year,” pahayag ni De Los Santos sa mensahe nito sa Bulgar Sports. “It took a little more time for me to tie my virtual gold medal record from last year. It’s been a journey, but I’m still looking forward to breaking it.”





Comments