Kandidato para konsehal, arestado sa boga
@Balitang Probinsiya | February 07, 2022
SORSOGON–Isang kandidato sa pagka-konsehal ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng baril kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Bulabog, Sorsogon City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Angeles Apin, nasa hustong edad at residente at kandidato sa pagka-konsehal sa nabanggit na bayan.
Nabatid na napadaan si Apin sa police checkpoint at nang kapkanan ay nakumpiskahan ito ng .9mm pistola at mga bala.
Nang walang maipakitang permit mula sa Comelec ay agad dinakip ng pulisya ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa gun ban ng Comelec.



Comments