Kahulugan ng namasyal sa park
- BULGAR
- Jun 6, 2024
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 6, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Bert ng Baguio.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na namasyal ako sa park. Ang daming palm trees sa paligid, mayroon ding peaches at oranges.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Bert
Sa iyo, Bert,
Napakaganda ng ibig sabihin ng panaginip mo na namasyal ka sa park, ito ay nangangahulugan na magiging maunlad ang negosyo mo, magkakaroon ka ng mababait at maaasahang kaibigan, maski ang kalusugan mo ay magiging gaganda rin.
Ang palm tree sa paligid ay senyales ng kayamanan. Uunlad na ang kabuhayan mo at ang spiritual na gawain mo ang maghahatid sa iyo ng kaligayahan, ito rin ay nagpapahiwatig na maaari kang tumama sa lotto. Hahaba rin ang buhay mo at mamumuhay ka ng masaya.
Samantala, ang oranges naman ay tanda ng paglalakbay. Mamamasyal kayo ng mga kaibigan mo. Mag-e-enjoy kayo sa pupuntahan n’yong lugar, at doon kayo magiging masaya.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments