Kahulugan ng naging sundalo, sumabak sa labanan at nasugatan ang kamay
- BULGAR
- Mar 11, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 11, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Tommy ng Naga City.
Dear Maestra,
Kumusta kayo r’yan? Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan, pati ang iyong pamilya at mga kasamahan sa BULGAR. Malapit na akong magtapos ng kurso bilang isang sundalo.
Napanaginipan ko na ganap na akong sundalo, tapos na-assign ako sa Mindanao kung saan may labanan ng Christians at Muslim. Napasabak ako sa labanan at biglang may malakas na tunog ng siren na umalingawngaw. Nagpalitan kami ng putok ng kalaban, nasugatan ako at nagdugo ang kamay ko, tapos bigla na akong nagising.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Tommy
Sa iyo, Tommy,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ikaw ay isang ganap nang sundalo, ay sunud-sunod ang mga pagbabago na darating sa iyong buhay. Ang na-assign ka sa Mindanao, napasabak sa labanan at nakipagpalitan ng putok sa kalaban ay nangangahulugang makakaaway mo ang taong malapit sa puso mo. Maaaring ito ay miyembro ng pamilya mo o mismong ang asawa mo.
Ang malakas na tunog ng siren na narinig mo ay nagpapahiwatig ng kapahamakan at kaguluhan.
Maaaring mapahamak ka at masangkot sa hindi inaaasahang gulo sa iyong paligid.
Samantala, ang nasugatan at nagdugo ang iyong kamay ay nangangahulugan ng sama ng loob at mga kapighatian sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments