ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 6, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ricardo ng Pasay City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na isa ako sa naapektuhan ng kalamidad sa lugar namin. Napilitan akong isara ang tindahan ko dahil wala na akong puhunan para bumili pa ng stocks.
Madalas ko ring mapanaginipan ang trumpeta.
Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?
Naghihintay,
Ricardo
Sa iyo, Ricardo,
Kabaligtaran ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na isa ka sa naapektuhan ng kalamidad sa lugar n’yo ay nangangahulugan na uunlad ang negosyo mo. Lalago pa ito at kikita ka ng malaki. Ito rin ay nagpapahiwatig na isa sa mga kaibigan mo ay mapo-promote sa trabaho.
Samantala, kung ang trumpeta sa panaginip mo ay hinihipan mo, ito ay senyales na susuwertehin ka sa buhay. Madaragdagan pa ang kabuhayan n’yo hanggang sa tuluyan kayong yayaman. Subalit, kung narinig mo lang ang tunog ng trumpeta ay babala na may makakaaway ka, at masasangkot ka sa gulo. Ugaliin mong mag-ingat upang makaiwas ka sa kaguluhan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments