top of page
Search
  • BULGAR

Kahulugan ng itim, puti at berdeng ahas

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 29, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Mark Kevin ng Imus, Cavite.


Dear Maestra,


Bigla akong nagising dahil sa panaginip tungkol sa itim na ahas, hindi ito ang una dahil minsan ay nakakapanaginip ako ng kulay puti at berde na ahas.


May kasama ako habang naglalakad, tapos may nakita akong itim na ahas na kumain ng pagong, tinanong ko ‘yung kasama ko kung paano nakain ng ahas ‘yung pagong, kung hindi man lang ba nasugatan ‘yung ahas dahil malaki ‘yung pagong tapos gumagalaw pa ito sa loob ng ahas.


Ang pagkakatanda ko, ‘yung ahas ay halos kasing laki lang braso ko.


Ano ang kahulugan ng panaginip ko?


Naghihintay,

Mark Kevin


Sa iyo, Mark Kevin,


Ang ibig sabihin ng itim na ahas sa panaginip mo ay kaaway o karibal sa trabaho na humahadlang sa mga plano mo sa buhay. ‘Yun namang kulay puti ay nangangahulugang gusto mo nang mamahinga dahil pagod na pagod ka na sa dami ng gawaing nakaatang sa iyong balikat, pero hindi mo magawa dahil kailangang tapusin mo ang mga ito sa takdang panahon.


Ang berdeng ahas naman ay may kaugnayan sa pananalapi. Gusto mong kumita ng malaki, pero may mga kakumpitensya ka na humahadlang sa mga transaksyon mo.


Samantala, ang kinain ng itim na ahas ang pagong, gayung maliit lang ang ahas pero nagkasya sa tiyan niya, ito ay nagpapahiwatig na kahit marami kang kaaway at karibal, hindi ka nila kayang itumba o talunin. Ang kasama mo habang naglalakad ay nangangahulugan ng guardian angel mo na pinoprotektahan ka sa anumang panganib na iyong kakaharapin.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page