Kagawad, todas tinadtad ng bala
@Balitang Probinsiya | Enero 18, 2023
NEGROS ORIENTAL—Patay ang kagawad nang pagbabarilin at tadtarin ng bala ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Guba, Villahermoso.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Kagawad Cerili Balasabas, 48-anyos, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, papasok na si Balasabas sa kanilang tahanan nang bigla itong pagbabarilin ng mga suspek.
Nabatid na mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Balasabas.



Comments