- BULGAR
Kagawad tinodas ng riding-in-tandem
@Balitang Probinsiya | June 10, 2022
NUEVA ECIJA–Patay ang kagawad nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Magsaysay Sur, Cabanatuan City.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Kagawad Ronald Castillo, 52-anyos, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nakatayo si Castillo sa tapat ng basketball court nang sumulpot ang mga hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.