top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kagawad tinodas ng 2 armado

BULGAR
Oct 1, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 1, 2022


BATANGAS—Isang kagawad ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Salao, Rosario.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Kagawad Ismael Rosales, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang kausap ni Rosales ang kanyang tiyuhin sa nasabing barangay ay nilapitan ito ng mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page