top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kagawad, tinodas ng 2 armado

BULGAR
Jul 13, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 13, 2022


MASBATE—Patay ang kagawad nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Tinaplan, Baleno.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Kagawad Noli Licup, 56-anyos, nakatira sa Bgy. Docol sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Licup nang sumulpot ang dalawang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay kay Licup.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page