Kagawad timbog sa boga
- BULGAR
- Apr 29, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | April 29, 2022
SORSOGON – Isang kagawad ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng isang baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Libtong, Castilla sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Rey Lazarte, 41-anyos at residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang isang kalibre .38 revolver at mga bala.
Kusang sumama naman sa pulisya at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments