Kagawad dedo, angkas sugatan sa hit-and-run

@Balitang Probinsiya | November 6, 2020
NORTH COTABATO—Isang kagawad ang namatay at sugatan ang angkas nito nang ma-hit-and-run ng hindi pa mabatid na uri ng sasakyan ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Snigkatulan, Makilala.
Kinilala ang nasawi na si Kagawad Rene Lantorio, samantalang ang sugatan ay ang angkas nito na Delfin Paclibar, kapwa nakatira sa Bgy. Minapan sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, mabilis ang takbo ng hindi sasakyan kaya aksidenteng nabangga nito ang kasalubong na motorsiklo na kinalululanan ng dalawang biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Lantorio.
Pinaghahanap na ng pulisya ang driver ng sasakyan na nakabangga sa dalawang biktima upang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury at damage to property.



Comments