Kagawad dedbol sa saksak
@Balitang Probinsiya | September 3, 2022
BATAAN—Isang kagawad ang namatay nang saksakin ng isang hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. St. Francis, Limay.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Kagawad Darwin Aboganda, 46-anyos at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang naglalakad pauwi si Aboganda ay sumulpot ang suspek at agad pinagsasaksak ang biktima.
Nabatid na mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pananaksak sa biktima.
Kaagad dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments