Kagawad arestado sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | September 5, 2022
BAGUIO CITY—Isang kagawad ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Irisan.
Ang suspek ay kinilala ng mga awtoridad na si Kagawad Francis Dagson, nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ni Dagson ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments