top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kagawad, 13 pa tiklo sa tupada

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 26, 2022


PAMPANGA–Isang kagawad at 13 pang sabungero ang nadakip sa isinagawang pagsalakay n pulisya kamakalawa sa isang tupadahan sa Bgy. Manibaug, Porac.


Hindi pinangalanan ang mga suspek na pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya na may kalalakihan na nagtutupada sa naturang lugar kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa pag-iingat ng mga suspek.


Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page