top of page

Kagandahan ng kalikasan na nakuhanan sa iba’t ibang lugar

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10, 2020
  • 2 min read

ni Lolet Abania | July 10, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Sa kabila ng mga pinagdaraanan ng buong mundo sa pandemya, mayroong natatanging kagandang makikita sa ating bansa. Ito ang mga kuha ng ilang netizen na nagnanais na ipakita sa atin ang mabubuting ginawa ng Diyos sa lahat. Ang kagandahan ng nature na talagang nakakagaan sa kalooban sa tuwing uulit-uliting tingnan.


  1. Majestic Full Moon. Ang napakagandang kabilugan ng buwan na nakuhanan sa Talaingod, Davao del Norte ng isang Francis Joseph Lampano. Naipapakita ang liwanag ng gabi sa kabila ng madilim na ang langit at na-capture ito noong July 5.

  2. Iridescent Sight. Ang mala-bahagharing ulap na makikita sa kalangitan na kuha sa bayan ng Rizal sa Nueva Ecija mula kay Sierre Nicole Tapuik. Napakasarap tingnan ang maberdeng kulay nito at nakuhan noong July 6.

  3. Pretty Clouds. Natatanging ulap na sobrang ganda na tila soap bubbles sa itaas ng langit na kuha sa Divisoria, Santiago City, Isabela ni Marc Gerome Gironella. Sadyang napakatingkad ng kulay nito at kakaiba na na-capture noong July 6.

  4. Pinky Skies. Kalangitang napuno ng kulay rosas o pink sa nalalapit na takipsilim na kuha sa Cabalian, Southern Leyte ng isang Bernadette Laplap Pineda. Habang papalubog ang araw sumasalubong ang dilim ng napakagandang kulay rosas at nakuhanan noong July 7.

  5. Thunder Clouds. Bagama’t kakaibang kalangitan dahil sa thunderstorm makikita ang kagandahan pa rin ng kalikasan sa Daanbantayan, Cebu na kuha ni John Reco Estrera ng RECO Photography. Maaaring dala ng malalaking ulap na ito ang thunderstorm subalit napapawi ang pangamba kung pagmamasdan ang kagandahang bigay nito na na-capture noong July 8.


Laging isaisip at isapuso ang patuloy na kagandahang bigay ng kalikasan sa atin dahil sa ito ay gawa mula sa kamay ng Diyos. Ito ay nakapag-aalis ng lungkot, pagod, kahinaan at pagkabalisa sa mga nagaganap sa sangkatauhan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page