top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Jinggoy, humirit uli ng piyansa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | August 5, 2026



Jinggoy, humirit uli ng piyansa

Photo: File



Hiniling ni Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na baligtarin ang nauna nitong desisyon na tumanggi sa kanyang hiling na makapagpiyansa sa kinakaharap na P573 milyong kasong plunder kaugnay ng umano’y flood control mess.


Sa inihaing mosyon, iginiit ni Estrada na hindi siya isang flight risk at dapat siyang mapabilang sa mga exception to the general rule sa pagbibigay ng piyansa sa kasong plunder.


Inihalintulad ng senador ang kanyang sitwasyon sa naging desisyon ng Korte Suprema noong 2015, na pinagtibay noong 2016, kung saan pinayagang makapagpiyansa ang noo’y akusado ring senador na si Juan Ponce Enrile dahil sa humanitarian grounds at hindi ito itinuturing na flight risk.


Ayon sa kampo ni Estrada, kasalukuyan pa siyang nagsisilbing senador hanggang Hunyo 2028 at halos apat na dekada na siyang nasa serbisyo publiko.


Binigyang-diin pa ng senador na kusa siyang sumuko sa mga awtoridad matapos malaman ang inilabas na warrant of arrest laban sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page