Itinanim na bomba ng mga NPA, nadiskubre
@Balitang Probinsiya | February 03, 2022
ISABELA–Nadiskubre ng mga awtoridad kamakalawa ang dalawang uri ng bomba na itinanim ng mga New People’s Army sa bakanteng lote sa Bgy. Disisuan, San Mariano.
Ang nakumpiskang mga bomba ay granada at projectile 60mm.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad tungkol sa mga bombang itinamin ng mga NPA sa naturang barangay.
Dahil dito, agad rumesponde ang mga awtoriad at natagpuan ang mga bomba.
Naglunsad na ng manhunt operations ang mga awtoridad para madakip ang mga NPA sa nagtanim ng mga bomba sa nasabing lugar.



Comments