top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Istambay tinepok ng armado

  • BULGAR
  • Dec 22, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | December 22, 2022


CEBU—Isang istambay ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Lagtang, Talisay.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Junjun Pacada, 42-anyos, walang trabaho at residente ng naturang barangay.


Ayon sa ulat, habang nakatayo si Pacada sa harap ng bahay ng kanyang ina ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na si Pacada.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page