Istambay, timbog sa baril at shabu
@Balitang Probinsiya | February 06, 2022
CAMARINES NORTE–Isang istambay ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril at shabu kamakalawa sa Casalugan, Paracale.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, napuna ng mga operatiba ang kahina-hinalang kilos ng suspek habang nakaisyambay sa lugar kaya sinita ito at nang kapkapan ay nakumpiskahan ng baril, mga bala at sachet ng shau.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions, paglabag sa Comelec gunban at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments