top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ina sinuntok ng anak

BULGAR
Apr 26, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 26, 2022


AKLAN – Isang barumbadong anak na sumuntok sa kanyang ina ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Linayasan, Altavas sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Arthur de Pedro, 45-anyos at residente ng nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ina hanggang suntukin ng suspek sa mukha ang kanyang ina na itinago sa pangalang Eva, nasa hustong gulang.


Dahil dito, agad inireklamo ni "Eva" ang anak sa pulisya kaya dinakip ng mga awtoridad ang suspek.


Nakapiit na ang suspek at nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page