Ina, pinatay sa sakal ng anak
- BULGAR
- Aug 3, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 3, 2023
DAVAO DEL SUR -- Isang ina ang namatay nang sakalin ng kanyang anak kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Sulop sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ducicema Malinao, 72, samantalang ang suspek ay ang anak nito na si Carlo, nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ina na humantong sa pagsakal ng suspek sa biktima.
Agad na dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nabatid na nagtangka pang tumakas si Carlo, pero nadakip siya ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya.
Comments