Illegal recruiter, timbog
@Balitang Probinsiya | October 13, 2023
CAVITE -- Isang illegal recruiter ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Niog 2, Bacoor City sa lalawigang ito.
Pansamantalang hindi muna pinangalanan ng mga awtoridad ang suspek habang iniimbestigahan ito.
Napag-alaman na dinakip ng mga operatiba ang suspek dahil sa reklamo ng mga naging biktima nito sa illegal recruitment.
Ayon sa mga hindi pinangalanang biktima, matapos silang magbigay ng pera sa suspek para makapagtrabaho sa ibang bansa ay hindi na ito nagpakita sa kanila.
Napag-alaman na naaresto ang suspek sa isinagawang entrapment operation ng pulisya matapos na hingan na naman ng pera ng illegal recruiter ang mga biktima.



Comments