Illegal recruiter, arestado
- BULGAR

- Oct 22, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 22, 2020
KALINGA—Isang illegal recruiter ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Liwan West, Rizal.
Kinilala ang suspek na si Cesario Cabreros, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na dinakip ng pulisya si Cabreros dahil sa reklamo ng mga naging biktima ng illegal recruitment ng suspek.
Ayon sa mga hindi pinangalanang biktima, matapos silang magbigay ng pera kay Cabreros para makapagtrabaho sa ibang bansa ay hindi na ito nagpakita sa kanila.
Napag-alamang may nag-tip sa pulisya na umuwi ng kanilang bahay si Cabreros kaya agad rumesponde at inaresto ang suspek.



Comments