Illegal na sabungan, sinalakay
@Balitang Probinsiya | February 17, 2022
CAPIZ–Isang ilegal na sabungan ang sinalakay ng pulisya kamakalawa sa Roxas City.
Ang sinalakay na ilegal na sabungan ay nakapuwesto sa Dumolog sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na may ilegal na sabungan sa nasabing barangay kaya agad nila itong sinalakay, pero nakatakas ang mga sabungero.
Nakakumpiska ang operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa lugar na pinagdausan ng ilegal na sabong.
Pinaghahanap na ng pulisya ang mga nakatakas na sabungero para dakpin at sampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling.



Comments