top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Illegal logger timbog sa 'hot logs'

BULGAR
Sep 15, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 15, 2022


PANGASINAN—Isang illegal logger ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng mga "hot logs" na nakakulan sa van kamakalawa sa Bgy. Caloocan, San Nicolas.


Nakilala ang suspek na si Angerick Epic, 27-anyos, nakatira sa Kabugao, Apayao.


Ayon sa ulat, napadaan sa checkpoint ang van na minamaneho ni Epic at nang makita ng mga awtoridad na may lulan itong mga pinutol na punong kahoy na narra ay hinanapan ng dokumento ang suspek.


Nang walang maipakita ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page