Illegal logger huli sa 'hot logs'
@Balitang Probinsiya | October 17, 2022
SORSOGON—Isang illegal logger ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng mga "hot logs" na nakakulan sa trak kamakalawa sa Bgy. Gadgaron, Matnog.
Nakilala ang suspek na si Jarrah Bernard Tumblod, nasa hustong gulang at residente ng Sorsogon City.
Ayon sa ulat, napadaan sa checkpoint ang trak na minamaneho ni Tumblod at nang makita ng mga awtoridad na may lulan itong mga pinutol na punong kahoy ay hinanapan ng dokumento ang suspek.
Nang walang maipakita, ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nakapiit na ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.



Comments