Ilegal na tupada sa Cebu City, 6 tiklo
- BULGAR

- Aug 3, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo | August 3, 2020

Anim na mananabong ang nahuli sa magkahiwalay na operasyon ng mga pulis sa Danao at ilang parte sa Cebu City noong Agosto 2, 2020 ng hapon.
Unang nadakip ng mga awtoridad ay sila Fehller James Gomez Torralba, 20-anyos ,Rey Matugas Lato, 42-anyos at Christopher Manipis, 25-anyos na pawang mga residente ng Sitio Banaba Barangay Guinsay Danao City.
Nadakip sila Torralba, Lato at Manipis ng simulan ng mga pulis ng Danao City Police Station ang pag-raid sa “TIGBAKAY” o ilegal na sabong ng manok na nangyari sa Sitio Banaba dakong 1:45 ng hapon noong Agosto 2, 2020.
Ayon kay Police Master Sergeant Jose Michael Alegado ng Danao City Police Station nagtungo sila sa nasabing barangay dahil sa nakalap nilang impormasyon.
Matapos lamang ang dalawa't kalahating oras ay sinalakay naman ng mga pulis and isang lugar sa Sitio Mayupay, Barangay Quiot, Cebu City dakong 3:30 ng hapon.
Nadakip naman ng Labangon Police Station ang tatlong mananabong na sina Reske Pagunawan Gac-ang, 31-anyos Joseph Mansanares Nuguid, 52-anyos at Diineil Santillan Montelora, 28-anyos.
Sa pahayag ni Police Captain Jonathan Dela Cerna, station commander ng Labangon Police Station, na kanilang kinumpiska ang dalawang panabong na manok at 300-daang piso na hinihinala nilang ito ay ginamit bilang pampusta.
Dagdag pa ni Dela Cerna na sila ay nakatanggap ng isang mensahe tungkol sa nagaganap na ilegal na tupada sa nasabing lugar.
Ang mga naaresto ay ikinulong at nag iintay na masampahan ng kaukulang kaso.




Comments