Ice plant natupok
- BULGAR
- May 17, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 17, 2022
PALAWAN – Isang ice plant ang natupok sa naganap na sunog kamakalawa sa Bgy. Matahimik, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.
Ang nasunog ay ang Orodemar Marine Products Ice Plant na pag-aari ng isang negosyante na residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa ice plant.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
May hinala ang mga awtoridad na faulty wiring ang sanhi ng sunog.



Comments