HVT sa droga timbog sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | Enero 10, 2023
QUEZON—Isang HVT (high value target) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Comon, Infanta.
Nakilala ang suspek na si Ricardo Morfe, 46-anyos, at residente sa nabanggit na bayan.
Nabatid na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad ang suspek sa pagbebenta ng droga at kamakalawa lang nagkaroon ng pagkakataon ang mga operatiba na dakpin ito sa drug-bust operation.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 100 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments