HVT sa droga, timbog sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | November 7, 2020
NORTH COTABATO—Isang high value target (HVT) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Pobacion 7, Midsayap.
Nakilala ang suspek na si Ariel Daguruan, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation sa naturang barangay dahilan kaya naaresto ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang pulisya ng tatlong na pakete ng shabu sa pag-iingat ni Daguruan.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments