top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

HVT sa droga tiklo sa drug-bust

BULGAR
Sep 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 27, 2022


ALBAY—Isang HVT (high value-target) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. San Carlos, Tabaco City.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad upang mabatid ang pagkakakilanlan ng drug dealer na nagsu-supply sa kanya ng ibinebenta niyang shabu.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang drug pusher.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page