HVT sa droga tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | September 12, 2022
QUEZON—Isang HVT (high value target) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City.
Nakilala ang suspek na si Patricio Martin, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad ang suspek sa pagbebenta ng droga at kamakalawa lang nagkaroon ng pagkakataon ang mga operatiba na dakpin ito sa drug-bust operation.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 73 gramo ng shabu sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments