top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

HVT sa droga, tiklo sa drug-bust

BULGAR
Sep 2, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 2, 2022


ILOILO—Isang high value target (HVT) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Lapayon, Leganes.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jeffrey Gustilo, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ng drug pusher ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad si Gustilo.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 80 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing barangay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page