HVT sa droga, huli sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | February 07, 2022
ISABELA–Isang HVT (high value target) na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Centro, Cabatuan.
Kinilala ang suspek na si Jay Sarambao, nasa hustong gulang at residente sa naturang bayan.
Napag-alamang matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad si Sarambao dahil sa pagiging HVT nito sa droga at kamakalawa lang ito natiyempuhang dakpin sa drug-bust operation.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 500 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments