HVT sa droga huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | October 8, 2022
ILOILO—Isang HVT (High Value-Target) sa droga ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Cagbang, Oton.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Samuel Bendecio, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu si Bendecio kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa nasabing barangay ay dito nadakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng walong sachets ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments