HVT sa droga, arestado
@Balitang Probinsiya | July 1, 2022
CAMARINES SUR—Isang high value target (HVT) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Penafrancia, Naga City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Anthony Comprado, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ng drug pusher ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad si Comprado.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 55 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.



Comments