HVT na tulak, tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | January 22, 2022
ALBAY–Isang HVT (high value target) na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Bigaa, Legazpi City.
Kinilala ang suspek na si Arjun Gonzales, nasa hustong gulang at residente sa naturang bayan.
Nabatid na nagsagawa ng drug-bust operation sa bahay ng suspek at dito nakumpiska ang 10 gramo ng shabu.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa loob ng kanyang bahay.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments