HVT, arestado sa drug-bust
- BULGAR
- Jan 11, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | January 11, 2022
CATANDUANES–Isang HVT (high value target) na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sta. Elena, Virac.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jasper Valencia, nasa hustong gulang at residente sa naturang bayan.
Nabatid na nagsagawa ng drug-bust operation sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Valencia.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments