Humintong fate line, tanda na mawawalan ng trabaho
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | June 20, 2021

KATANUNGAN
Kapag ba huminto ang Fate Line, ibig sabihin ay mawawalan ng trabaho? Ganito ang Fate Line sa kaliwa at kanan kong palad at ngayon ay nagtatrabaho ako sa isang telecommunication firm, pero dahil maraming intriga, balak kong mag-resign at mag-abroad.
‘Yung iba ko kasing mga kasamahan na nag-resign ay nasa abroad na ngayon at maganda naman ang buhay nila roon. Pero dahil huminto ang Fate Line ko, natatakot ako na baka kapag nag-resign din ako ay
tuluy-tuloy na akong mawalan ng trabaho.
Ano ang dapat kong gawin, ang manatili sa kasalukuyan kong trabaho na mukhang hindi mapupunta sa akin ang tinatarget kong promosyon o lakas-loob na mag-resign ako at pagkatapos ay mag-apply na lang ako sa abroad? May travel line ba sa aking mga palad?
KASAGUTAN
Tama ka, biglang huminto ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) nang ito ay hindi sinasadyang tumama sa Head Line (H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Ito ay tanda na dahil sa maling pagdedesisyon o pagpapasya, mawawalan ka ng career o hanapbuhay, ngunit ito ay pansamantala lamang. Ang humintong Fate Line (arrow a.) matapos mabangga ang Head Line (arrow b.) ay bahagya lang nawala, sa halip, pagkatapos mawala ay muling lumitaw at gumuhit nang malinaw (arrow c.) sa tama at dati na niyang tinatahak na direksiyon – sa Bundok ng Pag-unlad (arrow d.). Nangangahulugan ito na hindi maiiwasang mawalan ka ng trabaho o hanapbuhay dahil sa maling pagpapasya, ngunit ito ay pansamantala lamang. Matapos mabakante sa paghahanapbuhay, muli kang makasusumpong ng maunlad at asensadong trabaho, na maaari ring sa ibang bansa na kinumpirma ng pagsulpot ng malawak at mahaba-haba ring Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow e.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda na matapos mawalan ng trabaho, sa pagbabalik-hanapbuhay, malaki ang tsansa na sa ibang bansa ka na mamasukan, aasenso at tuluy-tuloy nang uunlad.
MGA DAPAT GAWIN
Kapag ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) ay huminto matapos mabangga ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanang palad, ibig sabihin, sa maling pagdedesisyon ay mawawalan ng trabaho o hanapbuhay ang nasabing inbidiwal. Kung muling magkakaroon ng trabaho o pagkakakitaan, sigon kung nagpatuloy pa ba ang Fate Line (arrow a.) na gumuhit matapos mabanggan sa Head Line (arrow b.).
Habang, ayon sa iyong mga datos, Alfred, mapalad ka sapagkat matapos huminto ng iyong Fate Line (arrow a.), matapos mabangga sa Head Line (arrow b.), ito ay muling nagpatuloy at nakarating pa sa Bundok ng Pag-unlad (arrow d.). Ito ay nangangahulugan na pansamantala kang mawawalan ng trabaho at pagkatapos ng isa, dalawa o tatlong taong pagkabakante, muli kang makapagtatrabaho sa ibang bansa (t-t arrow e.). Ang pagtatrabahong ito sa ibayong-dagat ang magiging simula upang lalo pang umunlad at umasenso ang buhay ng iyong pamilya na nakatakdang mangyari sa taong 2023 hanggang 2024 sa edad mong 42 pataas.





Comments