top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Hs student, huli sa marijuana

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 27, 2023



CAMARINES SUR -- Isang 16-anyos na high school student ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng marijuana kamakalawa sa loob ng paaralan sa Pili sa lalawigang ito.


Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek.


Ayon sa ulat, nakita ng security guard ng hindi pinangalanang eskuwelahan ang suspek na kahina-hinala ang kilos at nang kanyang sitahin ay biglang may itinapon itong papel.


Nang tingnan ng security guard ang itinapong papel, nadiskubre nitong may nakabungkos na marijuana.


Agad na tumawag ng pulis ang security guard at ipinahuli ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page