Search
  • BULGAR

Horse of the year Union Bell, bibida sa Triple Crown

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | June 28, 2020



Sa nalalapit na pagsikad ng Triple Crown sa Setyembre na bukas sa 3 year old locally born inaabangan ang pagtikada ng Union Bell, ang 2 Year Old champion.


Ayon sa Philippine Racing Commission (PHILRACOM) magsisimula ang 1st Leg Triple Crown na pawang paglalabanan ng 3 year old locally born.


Ang Union Bell ay naghari sa 2 year old Juvenile Fillies and Colts Stakes Race, 2019 Philtobo Juvenile champion at 2019 Philracom Juvenile champion.


Maganda ang naging record ni Union Bell nang magsimula itong lumaban sa 2 year old nang magpakita ng husay sa Maiden Race na natiyempuhan ng 1:11.2 sa distansiyang 1,200 meters.


Nakitaan ng husay ang kabayo sa 1st Leg Juvenile Fillies and Colts Stakes Races sa tiyempong 1:11 sa distansiyang 1,200 meters.Nasundan ng 2nd Leg sa tiyempong 1:23 sa distansiyang 1,400 meters.


Pagsapit sa 3rd Leg Juvenile Colts Stakes Race, mahusay sa tiyempong 1:34.8 sa 1,500 meters.


Pinagharian ang 2019 Philtobo Juvenile championship sa distansiyang 1,600 at Philracom Juvenile Championship sa recod na 1:40.2 .


Ang Union Bell ay mula sa lahi ng Tocqueville at Union Rags na humakot ng 6 na panalo sa loob ng anim na laban noong 2019.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.