Holdaper todas sa shootout
- BULGAR
- Jun 5, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 5, 2022
PAMPANGA--Isang holdaper ang napatay at nakatakas naman ang kasama nito nang manlaban at makipagbarilan sila sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Panipuan, Mexico.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasawing suspek at ang nakatakas na holdaper.
Ayon sa ulat, rumesponde ang pulisya sa report na may naganap na holdapan sa naturang barangay at nang makita ng mga awtoridad ang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo ay pinara nila ang mga ito, pero biglang pinagbabaril ng mga holdaper ang mga operatiba.
Dahil dito, mabilis na gumanti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang holdaper at nakatakas ang isa pang suspek.
Nakarekober ang mga awtoridad ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments