Holdaper patay sa shootout
- BULGAR
- Jun 1, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 1, 2022
PAMPANGA — Isang wanted na holdaper ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Mabalacat City sa lalawigang ito.
Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Derick Castillo, nasa hustong gulang at residente ng Angeles City.
Nabatid na akmang dadakpin ng mga operatiba si Castillo pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga aworidad.
Dahil dito, mabilis na gumanti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang suspek.
Nakarekober ang mga awtoridad ng baril, mga bala at mga sachet ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.



Comments