top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

“Hipon Girl” Herlene, pinauwi ni Kuya Wil

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 17, 2020
  • 1 min read

ni Twincle Esquierdo | July 17, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Ipinagbigay alam ni Kuya Wil na hindi niya makakasama sa "Wowowin-Tutok To Win" si "Hipon Girl" Herlene kahit kababalik lang daw nito, dahil bigla raw itong nilagnat kaya pinauwi niya ito sa Rizal para doon mag-quarantine.


Ayon sa kanya ang lahat ng staff ng Wowowin-Tutok To Win ay nagpa-injection ng flu-vaccine na good for 1 year at pneumonia for life.


Pabirong sabi pa nito na umiiyak si Hipon dahil mali raw ang nasaksak sa kanya “anti rabies at anti tetanus”.


Nilagnat diumano si Hipon dahil first time daw nitong injeksiyonan ng mga ganitong klase ng gamot at hindi niya alam na ganun pala ang magiging resulta sa kanyang katawan. Kaya pinauwi ito Kuya Wil dahil kailangan nitong magpahinga.


Birong sabi pa nito na kailangan niyang mag-14 day qauarantine at pagbalik sa netwok ay kailangan niya ulit mag 30-day quarantine at kapag magaling na daw ito ay may dagdag na tatlong buwan pahinga.


Dagdag pa nito na may mga ganyang situasyon talaga na hindi kinakaya ng katawan ang gamot kaya magpapahinga pa raw ito ng tatlong buwan. Pabirong sabi ni Kuya Wil.


Nagsagawa sila ng injection upang maprotektahan ang lahat sa kumakalat na sakit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page