Helper tiklo sa pamboboso
@Balitang Probinsiya | May 2, 2022
NUEVA ECIJA – Isang 24-anyos na helper ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa pamboboso sa isang ginang na naliligo sa banyo kamakalawa sa Bgy. Maburak, Gapan City sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Marlou Samson, nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa biktimang itinago sa pangalang "Elsa", 31-anyos, habang naliligo siya sa kanilang banyo ay nakita niya si Samson na binobosohan siya.
Dahil dito ay agad sumigaw at humingi ng saklolo ang biktima kaya nadakip ng mga awtoridad ang suspek.
Hindi naman nanlaban si Samson nang dakpin ng mga awtoridad at sa ngayon ay nahaharap siya sa kasong unjust vexation.



Comments