top of page

Health break’ sa iskul, sulitin sa pagpapahinga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 15, 2022
  • 1 min read

@Editorial | January 15, 2022



Patuloy ang panawagan para sa health break sa mga guro at estudyante, partikular sa mga lugar kung saan umiiral ang Alert Level 3.


Mula nang magsimula ang pandemya, masasabing napalaban din ang mga itinuturing nating education frontliners, ang mga guro, opisyal at staff ng paaralan.


Grabe rin ang adjustment ng mga estudyante at kanilang mga magulang o guardian dahil sa bagong sistema ng pag-aaral.


Talagang nasubok ang kanilang diskarte, pasensiya at tiyaga sa distance learning.


Kaya marapat lang din naman na pagbigyan ang kanilang panawagan na pahinga lalo na’t ayon sa ulat, mahigit 50 porsiyento umano sa mga titser, partikular sa Metro Manila ang may sakit na.


Napakahalaga rin na ipagpatuloy ang mga ginagawang hakbang para protektahan ang kalusugan ng mga guro at estudyante, tulad ng regular testing sa mga guro at iba pang school personnel.


Kung sakaling malagay sa alanganin ang kalusugan, tiyakin sanang may handang suporta para sa kanila.


Kasabay ng paglaban sa kalusugan ay ang sa edukasyon. Kaya dapat ding pinangangalagaan ito.


Huwag nating sagarin ang kalakasan ng bawat isa, ‘ika nga ay hinay-hinay lang. Puwedeng magpahinga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page