top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Habal-habal driver, kinatay ng kaalitan

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 2, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 2, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 53-anyos na habal-habal driver ang namatay nang pagsasaksakin ng kanyang nakaalitan kamakalawa sa Brgy. 5, San Carlos City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Danilo Ambayan, samantalang hindi muna pinangalanan ang suspek hangga’t hindi pa ito nadadakip ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong para maglabas ng patalim at pagsasaksakin ng suspek ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page