Guwardiya. Natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | February 03, 2022
CAPIZ–Natagpuang patay ang isang guwardiya kamakalawa sa loob ng binabantayan niyang bahay kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Larly Almada, nasa hustong gulang, at residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na mag-isang nagbabantay si Almada sa bahay ng kanyang among si Magdalena Galilea, at nagtaka ang mga kapitbahay kung bakit tatlong araw na itong hindi lumalabas ng nasabing tahanan.
Dahil dito, pinuntahan ng mga residente ang bahay ay dito natagpuan ang bangkay ng biktima.
Sa imbestigasyon ng pulisya ay walang palatandaan na pinatay si Almada, kaya’t ang posible umanong sanhi ng pagkamatay ng biktima ay atake sa puso.



Comments