top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Guro, todas sa karnaper

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 27, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 27, 2020



SULTAN KUDARAT—Isang guro ang namatay nang pagbabarilin ng hindi kilalang armadong karnaper kamakalawa sa Bgy. Sagasa, Esperanza.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Vinci Afenidad, residente sa nasabing barangay.


Nabatid na habang minamaneho ni Afenidad ang kanyang motorsiklo ay hinarang ito ng suspek at pilit na kinukuha ang kanyang sasakyan.


Napag-alamang nanlaban si Afenidad kaya pinagbabaril ito hanggang sa mapatay ng suspek.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang karnaper.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page